Friday, February 5, 2010

appreciation lang po.. :(

Posted by ♥ mhiz-yhel ♥ at 4:10 AM


Haaay..Salamat natapos na rin yung scrap book na ginagawa namin ni bi'ep..Kamustahin niyo naman yun..Isang 10 pages na scrap book ginawa namin in just 3 days. Actually class project yun and since buzy ang lahat sa paggawa ng scrip para sa play namin na Rizal ako na rin ang nagpresenta gumawa. Kahit mahirap at kulang sa oras pinilit namin gawin dahil hindi ko naman akalain na friday(ngaun) yun ipapasa, ang pagkakaalam namin ay next month pa. So, wala ng dahilan para maging tamad, nagpasya na rin si Bi'ep na tumulong. Tinipid namin ang 680 mula sa contribution at 200 mula sa aking bulsa(kaya nagun pulubi na ako).

Ayon..tuesday hiningi ko yung mag usb nila para sa mga picture nung nagpunta kami sa Luneta at Intramuros.Wednesday nag-edit kami at nag paprint at bumili na rin ng ibang materials.Thursday nag edit ulit para sa cover at bumili ng kulang na gamit,sinimulan na ni bi'ep yung paggawa at hindi siya natulog at since hindi ako pwede matulog sa kanila nagpunta ako sa kanila ng maaga. 6 pa lang nandun na ako. kulang pa ng 3 pages yung scrap book at kulang na kami sa oras kaya sabi ko hindi na ako papasok na 2 subjects.

Sa wakas 10 am natapos namin lahat ng dapat gawin. 10:30 ng pumasok ako. Takte nag quiz pala kami sa Logic at Rizal.(huhu..absent na nga wala pang Quiz..)

Pagdating ko sa room inibot ko kay Roxing yung scrap book dahil titignan daw muna nila.. Ayun.. nagustuhan naman nila at maganda daw.

Pero may 3 sa mga classmate ko ang galit na galit sa akin.. Si Ate Jane, Michael at Joseph. Wala silang pictures dun sa mga places na pinutahan namin pero my solo pics sila dun sa 1st page. Wala silang binigay na usb o kahit ano para pagkuhaan ng mag pictures nila. Tapos ganito yun:

ako: Ate jane my itatanong ako sayo..
ate Jane: lumayo ka nga sa akin at huwag mo ako kausapin..

After ko marinig yun hindi ko alam gagawin ko. Pagpasok namin sa room bigla na lang tumulo luha ko. Galit siya sa akin dahil wala nga silang pictures dun. Hindi ko naman kasalanan kung bakit wala sila doon humingi ako sa kanila wala silang ibinigay. Hanggang dumating na sa point na kung ano ano na yung sinabi sa akin..Grabe that time nung kanakausap nila ako hindi ko mapigilan na hindi umiyak.Akala ko matutuwa sila sa ginawa namin na pinagpuyatan at pinagpaguran. Akala kom kahit Thank you may maririnig ako pero wala. Parang gumuho talaga ang mundo ko kanina sa sobrang sakit nung sinabi niya.


Grabe talaga yung nangyari. I thought it was A Job Well Done.. pero hindi pala..

Sana kahit papaano naappreciate nila yung effort namin sa pagtapos nung project na yun.



@ Hon..

salamat po pala sa pagtulong mo sa akin para magawa yung project mo. Sorry rin kasi dahl dun 2 gabi ka wala tulog,. salamat po talaga sa mga effort mo.. Iloveyou soo much.. sana maging ok ka na.. mua



4 comments on "appreciation lang po.. :("

Kosa on February 5, 2010 at 4:32 PM said...

as a part of the group my slight silang karapatan para magalit... pero yun nga, its everyone's fault... sa Part mo, and sa part nila... They didnt give you their USBs para sa mga Pics nila and same sayo, you forgot to tell them that you need it for the Proj. lols

siguro, as time goes by, magiging maayos din ang lahat.

dont feel bad. may syota ka naman eh.. at malapit na ang Valentines..lols
happy Valentines

Renz on February 6, 2010 at 6:47 AM said...

naiintindihan kita. imagine effort niyong dalawa ni biep. Understanding na lang siguro. I know naman na maiintindihan mo sila eh. agree ako kay kosa na both may mali peo sa tingin ko, mas malaki ang mali nila. Ang dami mong sacrifice tpos sila pa nangganun..hay. Intindihin mo na lng. Basta alam mo sa sarili mo, maganda yung ginawa mo, at ginawa mo na yung part mo :]

ok dami ko na sinabe.
God Bless

gege on February 7, 2010 at 12:24 AM said...

natawa naman ako sa pahuling banat ni kosa...
nay syota ka naman???
ahaha!!!

nako...
ganyan talaga.
naranasan ko na rin yan eee...
mga bFF ko ang kinaiinisin ko, at inis din sila sa akin.
well, mas tatatag kayo jan!
pag-usapan nyo lang.
wag ng manuro kung sinong may fault...
masasaktan lang kayo pareparehas...
at sabi nga ni ka-kosa...
VALENTINES.

love.love.love.


:P

saul krisna on February 7, 2010 at 4:49 PM said...

huwaw ang ganda naman nitong post na ito... love talaga kita mommy... hehehehe mga pasaway talaga mga classmate mo... ganda nito kasi natututunan mo ng mag labas ng sama ng loob dito... basta im here for you honey... mahal na mahal kita

 

♥ My own little worLd :)) ♥ Copyright 2009 Sweet Cupcake Designed by Ipiet Templates Image by Tadpole's Notez